Tulay na bakal bumigay: 1 patay, 2 sugatan

MANILA, Philippines — Isang 19-anyos na steelman ang nasawi habang sugatan naman ang dalawa niyang kasamahan sa trabaho matapos gumuho ang isang bakal na tulay sa Panacan, Davao City.

Kinilala ang nasawi na si JP Oftana habang ang mga nasugatan ay kinilalang sina Ian Jarol, 25, at Rogelio Roxas, 28.

Ayon sa pulisya, nagtatrabaho ang tatlo sa tulay nang bumigay ang mga braces ng column at tumama sa kanila.

Dahil sa insidente, pansamantalang itinigil ang operasyon.

Iniimbestigahan na ng pulisya kung nakasuot ng safety gear ang mga manggagawa nang mangyari ang insidente.Wala pa namang pahayag ang contractor ng proyekto.

Show comments