MANILA, Philippines — Isang hindi pa kilalang lalaki na umano’y snatcher ang nasawi nang makaengkwentro ang mga rumespondeng pulis na nasugatan, naganap kahapon sa Las Piñas City.
Kinilala ang dalawang tauhan ng Tactical Motorcycle Riding Unit (TMRU) ng Las Piñas City Police Station na kinilalang sina P/Master Sgt. Panton at P/Staff Sgt. Anipan.
Sa sketchy report, alas-12:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa panulukan ng Marquez at Analiza Sts., Gatchalian Subdivision, Brgy. Manuyo Dos, Las Piñas City.
Nabatid na sa pagresponde ng mga tauhan ng TMRU sa pangunguna ni P/Lt.Jesus De Leon sa nagaganap na robbery snatching ay nakipagbarilan umano ang suspek na naging dahilan ng kaniyang kamatayan.