Grade 6 student ni-rape/slay

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rheamae, Grade 6 student at residente ng nasabing barangay.
STAR / File

‘Di nakauwi ng 2 araw

MANILA, Philippines — Hinihinalang ginahasa muna bago pinatay ang isang 11-anyos na batang babae na natagpuan kamaka­lawa sa masukal na lugar sa Brgy. Sta. Clara, Gen. Trias City, Cavite matapos hindi nakauwi sa kanilang bahay ng dalawang araw.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rheamae, Grade 6 student at residente ng nasabing barangay.

Sa ulat ng pulisya, alas-11:00 ng umaga nang matagpuan ng isang Oscar Ballada Bovadilla ang nakahandusay na katawan ng biktima sa masukal na lugar sakop ng nasabing barangay.

Sa salaysay nito sa pulisya nang nasabing oras ay nagtungo siya rito upang manguha ng mga kawayan nang bumulaga sa kanya ang bangkay ng biktima.

Nakataas ang damit pang-itaas nito at nakababa ang pang-ibabang suot ng biktima.

Bago ito ay nanawagan ang ama sa kanyang Facebook na mahanap ang kaniyang anak na dalawang araw nang hindi umuuwi.

Hindi muna pinangalanan ng pulisya ang suspek upang hindi maapektuhan ang ginagawa nilang pagtugis dito.

 

Show comments