Maraming lugar, nasa ilalim ng signal No. 1 ng bagyong Aghon

Tinatalakay ni Weather specialist Benison Estareja sa online viewers at mga mi­yembro ng media ang tinatahak ng bagyong Aghon sa briefing sa head office ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa Quezon City, kahapon.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Maraming lugar sa bansa ang nasa ilalim ng Signal No. 1 habang papalapit ang bagyong ‘Aghon’ sa Eastern Visayas.

Sa pinakahuling bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na ang mga sumusunod na lugar ay nasa ilalim ng signal No. 1: Sorsogon, Albay (Ma­nito, Legazpi City, City of Tabaco, Rapu-Rapu, Sto. Domingo, Malilipot, Bacacay, Malinao, Tiwi), Catanduanes at Camarines Sur (Caramoan, Garchitorena, Presentacion, Sagñay, San Jose, Lagonoy, Tigaon).

Gayundin sa Visayas sa Eastern Samar, Samar, Northern Samar, Leyte (Babatngon, Tacloban City, Palo, Tanauan, Tolosa, Dulag, Mayorga, MacArthur, Abuyog, Javier) at Southern Leyte (Silago, Hinunangan, Hinunda­yan, Anahawan, San Juan, Liloan, Saint Bernard, San Ricardo, Pintuyan, San Francisco) at sa Mindanao sa Dinagat Islands, Surigao del Norte including Siargao-Bucas Grande Group at Surigao del Sur (Carrascal, Cantilan, Madrid, Carmen, Lanuza, Cortes, City of Tandag).

Si Aghon ay inaasahang kikilos sa pangkalahatang direksyon ng kanluran hilagang kanluran mula Biyernes hanggang Sabado ng umaga habang mabagal ang paglakas.

Linggo ay inaasahang si Aghon ay magsisimulang mag- recurve sa pangkalahatang direksyon ng hilagang silangan sa may karagatan ng silangan ng Luzon habang patuloy ang paglakas. Mananatili sa bansa si Aghon at patuloy na lalakas sa Martes.

Show comments