Mga magulang ni Mayor Alice Guo, walang tala sa PSA

Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo in this May 7, 2024 photo
Facebook / Sen. Risa Hontiveros

MANILA, Philippines — Inihayag ng Philippine Statistics Autho­rity (PSA) na walang tala ang mga magulang ni Bamban Tarlac Mayor Alice Guo, ang alkalde na kinukuwestyon ang citizenship dahil sa mga inconsistencies ng kanyang government records.

Ayon kay PSA director for Legal Services Eliezer Ambatali, ang magulang na nakatala sa birth certificate ni Mayor Gou ay pawang walang record sa PSA.

“So ang ibig sabihin nito ay maaaring hindi totoo na merong Amelia Leal or Angelito Guo. Maaari rin na hindi lang nakapagparehistro,”sabi ni Ambatali.

Gayunman, anya may karapatan naman si Guo na magsampa ng petisyon para maitama ang hindi maayos na record ng kanyang birth certificate.Maaari rin anyang may mali  sa mga nakasaad sa birth certificate ni Gou.

Nilinaw naman nito na ang sinuman ay maaa­ring magsampa ng kaso laban sa sinumang tao kung ang estado ay may interes sa identity ng bawat isang mamamayan.

Kung kakanselahin anya ng korte ang birth certificate ni Guo ay magkakaroon ito ng “floating status.

Sinabi rin ni Ambatali na  marami pa ring Pilipino ang patuloy na kulang sa birth records sa PSA na hanggang sa ngayon ay may 3 milyong Pinoy na kabilang sa vulnerable groups ang hindi pa nakarehistro.

Show comments