Brgy. Tserman tinodas ng riding-in-tandem

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Ronaldo “Kaok” Lopez Loresca, chairman ng nasabing barangay at residente ng Manuel L Quezon St., Purok 1.
File

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 48-anyos na barangay chairman nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harap ng isang tindahan  sa Barangay Buli, Muntinlupa City, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Ronaldo “Kaok” Lopez Loresca, chairman ng nasabing barangay at residente ng Manuel L Quezon St., Purok 1.

Sa ulat ng Muntinlupa City Police Station, bago naganap ang krimen, alas-10:16 ng gabi ay nakaupo ang biktima kasama ang isang Domingo Rosell, 67, dating barangay kagawad sa harap ng isang tindahan.

Dito ay huminto ang isang motorsiklo at bu­maba ang angkas na nakasuot ng ‘Joy Ride’ shirt at nilapitan ang biktima at walang kaabug-abog na pinutukan ng di batid na kalibre ng baril.

Nang bumulagta ang biktima ay sumakay ito sa kasamang nakamotor at tumakas patungo sa Sucat.

Show comments