16-anyos binatilyo, dinedo sa sementeryo

MANILA, Philippines — Natagpuan ang bangkay ng isang 16-anyos na binatilyo sa loob ng sementeryo sa Brgy. Paco, Obando, Bulacan, ka­makalawa ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Christian Relente, walang trabaho ng Sto. Niño St., Brgy. Lawa, Meycauayan City, Bulacan.

Sa report ng pulisya, alas-7:10 ng umaga nang matagpuan ang bangkay sa loob ng Paco Cemetery, Brgy. Paco matapos na iulat ng mga barangay tanod.

Sa inisyal na imbestigasyon, hinihinalang pinalo ng matigas na bagay sa ulo ang biktima na agaran nitong ikinamatay.

Nakitaan din sa crime scene ng tipak ng hollow block, aluminum foil at lighter ang lugar na pinangyarihan ng krimen.

Show comments