MANILA, Philippines — Labing-anim na lugar sa bansa ang nagtala ng pinakamataas na heat index o matinding ramdam na init sa katawan.
Sa latest data ng Pagasa, ang Aparri Cagayan ang nagtala ng pinakamataas na heat index kahapon, May 5 na pumalo sa 48 degree celcius.
Nagtala naman ng 47 degree celcius ang Dagupan Pangasinan samantalang 45 degree celcius sa Virac Catanduanes.
Samantala, 44 degree celcius ang naitala sa Laoag, Ilocos Norte at Bocnotan La Union habang 43 degree celcius sa Masbate City at Tuguegarao city.
Nagtala ng 42 degree celcius sa Batac, Ilocos Norte, Cotabato Maguindanao, Puerto Princesa Palawan, Cuyo Palawan, Baco Ilocos Norte, Zamboanga City, Dumanggas, Iloilo, Casiguran Aurora, Isabela at Bagac Ilocos Norte.
Nagtala naman ang Pasay City ng 41 degrees celcius kahapon at 40 degree celcius sa Quezon City.