Ilang lugar ng Metro Manila, lumubog sa baha

Isa lang ang Araneta Avenue, Barangay Tatalon, Quezon City sa ilang parte ng Metro Manila ang lubog sa baha dahil sa buhos ng malakas na ulan kaha-pon dahil sa Severe Tropical Storm Hanna.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ilang parte ng Metro Manila ang lumubog sa baha dahil sa halos walang tigil na buhos ng ulan kahapon dulot ng Habagat.

Sa datos mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ilan sa mga siyudad na binaha ay ang Maynila partikular sa: Pedro Gil-Quirino Ave N/B, gutter deep; España-Lacson intersection; España cor. dela Fuente, below gutter deep; Kalaw Roxas Blvd N/B, Gutter deep, España Blvd. Antipolo; Along Tayuman St., Abad Santos-half tire (12”); at Moriones cor. N. Zamora, below gutter deep.

Sa Valenzuela, binaha ang: Mac Arthur Highway cor. T. Santiago Cuevas, Dalandanan-knee deep; Mac Arthur Highway-Footbridge, Dalandanan, half tire; Mac Arthur Highway - Wilcon, Dalandanan, half knee; MH Del Pilar St. Arkong Bato; G. Lazaro, Dalandanan - tire deep; at Bypass, Veinte Reales - tire deep.

Sa Quezon City, binaha ang E. Rodriguez Araneta, Knee deep; Araneta - Ma. Clara, half knee; G. Araneta intersection Baloy St., knee deep; at D. Tuazon Q. Ave., gutter deep.

Habang sa Pasay City, binaha ng hanggang gutter ang Andrew Avenue hanggang Tramo.

Show comments