Lahar sa Mayon posibleng dadaloy sa bagyong Egay — Phivolcs

Ipinapakita ng weather forcaster ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang galaw at position ng Tropical Depression Egay, sa PAGASA weather forecasting center sa Quezon City.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Nagbabala kahapon ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa posibilidad ng pagdaloy ng lahar mula sa Bulkang Mayon sa mga pag-ulan na dadalhin ng Tropical Depression Egay.

Ayon sa ahensya, posibleng dumaloy sa lahat ng river channels sa dalisdis ng Bulkang Mayon ang lahar at sediment-laden streamflows.

Maaapektuhan dito ang Mi-isi, Anoling, Quirangay, Maninila, Masarawag, Muladbucad, Nasisi, Ma­binit, Matan-ag at Basud.

Inaabisuhan ng PHIVOLCS ang mga komunidad at lokal na pamahalaan sa mga nabanggit na lugar na mas maging mapagmatyag at agad ilikas ang mga residente sa mataas na lugar sa mga panahon ng malalakas na pag-ulan.

Sa kasalukuyan ay nananatili pa rin sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon­ at nagpapatuloy ang mga pag-aalburoto nito sa mga nakalipas na araw at linggo.

Show comments