Babae nahuli-cam sa pagtapon sa imburnal ng patay na sanggol

Sa kuha ng CCTV ng Barangay 478 sa Sampaloc, alas-5:00 ng mada­ling araw nang makita ang isang babae na nakasuot ng puting pantalon at itim na kamiseta na naglalakad sa kanto ng Maria Christina St., at España Boulevard na umupo sa bangketa kung nasaan ang butas ng imburnal.
Pixabay / Marjonhorn

MANILA, Philippines — Isang babae ang nahuli-cam sa pasimpleng may inihulog na bagay sa butas ng imburnal sa Sampaloc, Maynila nitong Miyerkules ng madaling araw.

Sa kuha ng CCTV ng Barangay 478 sa Sampaloc, alas-5:00 ng mada­ling araw nang makita ang isang babae na nakasuot ng puting pantalon at itim na kamiseta na naglalakad sa kanto ng Maria Christina St., at España Boulevard na umupo sa bangketa kung nasaan ang butas ng imburnal.

Pasimple niyang ipinasok ang isang bagay sa butas at sinipa-sipa pa niya paloob bago umalis.

Alas-6:00 ng umaga ay isang streetsweeper ang nakapansin sa eco bag na iniwan ng babae na nasa loob ng butas.

Dahil masangsang ang amoy, isinumbong niya ito sa barangay na kaagad namang pinuntahan ng tanod.

Nang kunin ang natu­rang bagay na nasa loob ng butas, tumambad ang eco bag na may kahon, at nasa loob nito ang patay at na­ngingitim na bagong silang na sanggol, na nakakabit pa ang pusod.

Ayon sa mga opisyal ng barangay, hindi nila kakilala ang babae. Patuloy ang backtracking ng mga otoridad para malaman ang pagkakakilanlan nito.

Show comments