Number coding scheme sinuspinde sa Holy Week

MANILA, Philippines — Sinuspinde ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang implementasyon ng suspensyon ng Unified Vehicular Volume Reduction Program o number coding scheme sa National Capital Region sa April 6 (Maundy Thursday) hanggang April 10 (Monday) na naideklarang holiday.

Inanunsyo din ng MMDA, simula sa April 5, Holy Wednesday hanggang April 10, Lunes ay isasagawa ang kanilang Oplan Metro Alalay Semana Santa 2023 para bigyang alalay ang mga motorista sa panahon ng Mahal na Araw.

Umaabot sa 2,104 MMDA personnel ang ikakalat ng ahensiya sa mga pampublikong lugar at pangunahing kalsada para mangasiwa sa  daloy ng trapiko. — Ludy Bermudo

 

Show comments