Drug suspect utas sa buy-bust

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang drug suspect nang manlaban sa buy-bust ope­ration sa Brgy. Da­ma­yang Lagi, Quezon City, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Jordan Balana, top 4 sa listahan ng Quezon City Police Station (QCPD)-Galas Police Sta­tion at miyembro rin umano ng “Ramos Balana criminal group na sinasabing sangkot sa pagtutulak ng droga at robbery holdup sa Quezon City.

Sa ulat, alas-10:00 ng gabi nang ikasa ang buy-bust operation sa 14th St., Sta. Cecilia, Brgy. Damayang Lagi nang makatanggap ng tip ang mga otoridad hinggil sa ilegal na aktibidad ng suspek.

Isang pulis ang nagpang­gap na bibili ng P2,500 na halaga ng shabu, gayunman nakahalata ang suspek sa katransaksiyon na isang pulis kaya’t kaagad na nagbunot ng baril.

Nang akmang baba­rilin ang pulis ay pinutukan ito ng mga back-up na pulis na nagresulta sa pagkamatay ng suspek habang nakatakas ang kasamahan sakay ng motorsiklo.

Narekober ng mga oto­ridad mula sa suspek ang isang sachet na may limang gramo ng hinihinalang shabu at may street value na P34,000.

Show comments