Police major inaresto sa casino huli sa aktong nagsusugal

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga pulis ang kabaro nila na isang aktibong police major habang nagsusugal sa isang kilalang casino, sa Pasay City, Sabado ng gabi.

Kinilala ang dinakip na si Police Major Regalado Isidoro  na lumabag umano sa Article 231 ng Revised Penal Code na may kauganyan sa Memorandum Circular No, 6 Series of 2016 at RA 6713.

Sa report ni PNP- Integrity Monitoring and Enforcement Group National Capital Region Field Unit (IMEG-NCRFU) chief P/Brig. Ge­neral Warren De Leon kay PNP Chief, Gen. Rodolfo ­Azurin Jr., alas-6:20 ng gabi nang maaresto si Isidoro habang naglalaro ng slot machine sa isang casino sa Pasay City.

Nakipag-ugnayan ang IMEG sa hepe ng Regional Intelligence Division, (RID-NCRPO) at Regional Special Operations Group (RSOG-NCRPO), PNP Police Security and Protection Group (PNP-PSPG) at sa Security Ma­nagement Office ng casino matapos makatanggap ng impormasyon mula sa concerned citizen.

Show comments