Mahigit 20 nakatanggap ng SAP, dinakip sa pagsusugal

Tatlong katao ang ina­restong nagsusugal sa burol ng patay sa Barangay Puro, Magsingal, Ilocos Sur habang limang bene-pisyaryong nakatanggap ng tig P5,500 mula sa DSWD ang nahuling nag­lalaro ng baraha sa Brgy. Centro Northwest in Solana, Cagayan.

MANILA, Philippines — Mahigit 20 kataong nakatanggap ng ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan ang inaresto dahil sa pagsusugal at paglabag sa panuntunan ng social distancing sa Ilocos sur, Cagayan at Isabela kamakalawa. 

Tatlong katao ang ina­restong nagsusugal sa burol ng patay sa Barangay Puro, Magsingal, Ilocos Sur habang limang bene-pisyaryong nakatanggap ng tig P5,500 mula sa DSWD ang nahuling nag­lalaro ng baraha sa Brgy. Centro Northwest in Solana, Cagayan.

Sa Abulug, Cagayan; anim na lalaki ang  nadakip sa tupadang nilusob ng mga pulis sa  Barangay Guidam habang nagsipulasang nakatakas ang iba.

Sa Tumauini, Isabela; pauwi matapos makatanggap ng P5,500 cash ang anim na kataong sakay ng traysikel ang dinala sa presinto dahil sa paglabag sa social distancing. Ang SAP ay kaagapay na tulong sa mga mamamayang apek­tado ang kabuhayan sa nangyayaring lockdown sa Luzon dulot ng banta ng COVID-19. 

Show comments