MANILA, Philippines — Sinampahan na ng kasong murder ang mga amo ng pinatay na Pinay worker na si Jeanelyn Villavende.
Ito ang kinumpirma kahapon ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa pagdinig ng Senate commitee on labor tungkol sa migration policies ng gobyerno.
“Just today I was informed that the employers have been formally charged with murder... Yung detention nila yung para sa mga high criminals yung tawag eh,” sabi ni Bello.
Una nang napaulat na tinanggihan ng pamilya ni Villavende ang mahigit na P50 milyong blood money na iniaalok ng mga suspek.
Naging kontrobersiyal din ang pahayag sa Twitter ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na hindi tatanggap ng pera ang gobyerno kapalit ng hustisya para kay Villavende.