Victory Liner-Caloocan ISO certified na

MANILA, Philippines — Isa nang ISO certified ang Victory Liner, na isa sa pinakamalaki at pinagkakatiwalaang bus transport services sa Luzon makaraang ma­kakuha  ng  Victory Liner- Caloocan City-based cen­tral maintenance hub ng ISO 9001:2015 certification mula sa ISO central secretariat na na­kabase sa Geneva, Switzerland.

Ang Victory Liner na ang nag-iisa at tanging transport company sa Pi­lipinas na may maintenance shop na compliant ng global standards na inaprubahan ng 170 mga bansa.

Ayon kay Marivic H. Del Pilar, vice president for finance and Marketing ng Victory Liner na isang malaking karangalan na sila ay nasertipakahan ng ISO, kaya’t makakatiyak­ ang mga pasahero na ligtas sila sa mga biyahe at  may mahusay na ser­bis­yong matatanggap mula sa kumpanya.

Ang  ISO 9001:2015  ay kumikilala sa buong mundo ng mga criteria para sa quality management system sa may mahigit 1 milyong kompanya at organisasyon sa 170 bansa.

Show comments