Both child performers Sophia Reola and Miguel Vergara are home schooled. Sila ang gumaganap na best friends sa bagong series ng ABS-CBN, ang Nang Ngumiti Ang Langit.
Gusto nila na maging regular students tulad ng mga kaedad nilang nag-aaral. But as they are both busy with showbiz works, na sayang nga naman if they don’t take advantage, gagawin kung ano ang available to them.
Masuwerte raw sila dahil palagi nilang kasama ang kani-kanilang mga nanay as well as para subaybayan sila sa kani-kanilang pag-aaral.
As common knowledge now, Sophia was born abroad. Her Dad is with the US military. It was both her Mom and Dad’s decision na dumito sila sa Pilipinas, kasama ang younger brother niya.
Si Miguel naman is the youngest sa apat na magkakapatid. His parents are working, ngunit nang mag-artista siya, nag-decide ang mga ito na tumigil na sa pagtatrabaho ang kanyang ina para maigi siyang masubaybayan.
Now 10 years old, like Sophia, Miguel was six years old nang gumanap siya bilang anak ni Angel Locsin sa One More Try.
Well, for his performance in One More Try, nanalo siya as best child actor in one award-giving body.
Bagama’t determined to become a successful actor, dream ni Miguel to eventually finish a college course. Gusto raw niyang maging engineer tulad ng kanyang lolo.
Bagong negosyo ni Empoy, dinudumog!
Wala pa raw plano si Piolo Pascual to follow Direk Joyce Bernal footsteps na maging direktor, he wants to have a thorough knowledge muna about movie making bago niya raw ito pasukin.
He just finished attending scriptwriting classes under noted and award-winning story and scriptwriter Ricky Lee.
Doon sa mga ‘di nakakaalam, Direk Joyce, bago siya naging magaling na direktor, siya ay isang award-winning and most in demand film editor.
Samantala, usap-usapan ngayon ang nilulutong balik tambalan nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez, everything is still under wraps although ang tiyak daw na magdidirek muli ay ang Kita Kita director na si Sigrid Andrea Bernardo.
Of Empoy, pinuputakti raw ng customer ang kanyang bagong tayong restaurant sa Baliwag, Bulacan, which his Mom manages, together with some classmates of his in high school.
“Binanggit ko sa kanila,” ayon kay Empoy na “dapat mapangalagaan nila ng mabuti ang restaurant dahil nakakatulong ang kinikita nila sa kanilang pamilya,” susog pa ni Empoy.
Labis-labis daw ang kanyang pasasalamat dahil ‘di siya nawawalan ng project. Saturday, regularly siyang napapanood sa sitcom na Home Sweetie Home, which topbills Toni Gonzaga, Piolo Pascual, Jobert Austria, Rufa Mae Quinto, Miles Ocampo, Clarence Delgado at Ogie Diaz.
Tanong lang: bakit nga pala lately ‘di napapanood sa episodes ng Home Sweetie … si Sandy Andolong?
Going back to Empoy, ang tanong pa rin, bakit nga kaya very secretive siya about his lovelife.
May nagpatibok na raw ba, o, kasalukuyang nagpapatibok ng kanyang puso?
Pakisagot, Empoy.