Riot sa Simbang Gabi, 3 inaresto

MANILA, Philippines – Inaresto ng mga otoridad ang tatlong lalaki na kinilalang sina John Vincent Lumage, 18; Bernie Salonga, 24; at Jerick Tortosa, 18, kapwa mga residente ng Brgy. 18, matapos na masangkot sa isang riot kasabay ng Simbang Gabi kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Sa ulat, unang sumiklab ang riot sa pagitan ng dalawang magkalabang grupo ng mga kabataan dakong alas-4:30 ng madaling araw sa kanto ng Mabini Street at 10th Avenue tapat ng Caloocan City Hall habang may nagaganap na misa ng Simbang Gabi sa San Roque Church sa naturang lugar. Nakaresponde ang mga pulis at dinampot ang mga suspek.

Show comments