Totoy minartilyo ng amain

MANILA, Philippines – Ibinunton ng isang amain sa 11-anyos na lalaki ang galit sa ina nito kung kaya’t walang habas na hinambalos ito ng martilyo kamakalawa sa Marikina City.

Itinago ang biktima sa pangalang Mario, na  nagtamo ng mga sugat sa kanyang likod, kanang braso at iba pang parte ng katawan sanhi ng pagmartilyo sa kanya ng suspek na si  Carlo Gonzales, 37, binata, tubong Sorsogon, at kasalukuyan naninirahan sa De Guzman St.,
Olandes, IVC, ng Marikina City.

Sa imbestigasyon ng Women’s  Children Protection Desk (WCPD) ng Marikina City Police, bago nangyari ang insidente dakong alas-2:00 ng hapon sa loob ng kanilang bahay ay galit na dumating umano ang suspek at  hinahanap kung saan ang ina nitong si Belen, 34.

Sumagot ang biktima na umalis ang ina dahil nagtrabaho na ikinagalit ng suspek at kumuha ng martilyo at inihataw sa bata.

Nang dumating ang ina ay kaagad itong nagsumbong kung kaya’t ipinaaresto ang suspek.

Nabatid na madalas umanong  mag-away ang suspek at live-in partner nito dahil sa pagiging seloso ng una.

Show comments