4 katao sinalvage sa pampang

MANILA, Philippines – Apat na katao kabilang ang isang 13-anyos na binatilyo ang natagpuang patay  sa pampang ng isang ilog sa Purok 3, Brgy. Basak, Nabunturan, Compostela Valley.

Sa ulat ng Compostela Valley Police, kinilala ang mga biktima na sina Ramil Quilaton, 31; Ruel Quilaton, 36; Romil Diongson, 13; at John Mark Diongson, 19, pawang residente ng Purok 9, Brgy. Poblacion, Compostela.

Ang mga biktima na tinakpan ng ulo ng tuwalya at kamiseta na pawang nakagapos ang mga kamay at tadtad ng mga saksak at taga  sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa inisyal na imbes­tigasyon ng pulisya na may kinalaman sa alitan sa lupa ang pamamaslang sa mga biktima matapos na  bantaan ng kanilang mga kaaway.

Show comments