JV kay VP Binay: Humarap na sa Senado

MANILA, Philippines - Sinuportahan kahapon ni Senator Joseph Victor “JV” Ejercito ang panawagan na pagharap ni Vice President Jejomar Binay sa imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon sub-committee kaugnay sa sinasabing ill-gotten wealth nito at ng kanyang pamilya.

“Sa akin mas maganda siguro sagutin na niya (Binay) ng head on... kung may chance siguro para na lang din ma-satisfy din, matapos na,” ani Ejerctio.

Pero agad itong bumuwelta at sinabi na nauunawaan niya si Binay  kung nag-aalangan itong humarap sa hearing ng Senado.

Iniimbestigahan ng Senate Blue Ribbon sub-committee, na pinamumunuan ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III,  ang diumano’y P2.3-billion overpriced Makati City building.

Lumawak pa ang imbestigasyon ng komite sa diumano’y 350-hectare estate ni Binay sa  Rosario, Batangas.

Nauna ng itinanggi ni Binay ang mga alegasyon laban sa kanya at patuloy din itong tumatangging humarap sa pagdinig ng Senado.

 

Show comments