Ulo ng ginang binaunan ng 2 bala

MANILA, Philippines - Malaki ang paniniwala ng pulisya na may kaugnayan sa droga ang pagbaril sa isang 49-an­yos na ginang ng riding in tandem habang ito ay nakatambay kahapon sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din ang biktima dahil sa dalawang tama ng bala sa ulo mula sa kalibre 45 pistola na kinilalang si Florentina Intong.

Tumakas ang dala­wang suspek sakay ng isang motorsiklo nang matiyak na patay na ang biktima.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-11:05 ng umaga sa Malonzo Compound, Isla Puting Bato, Tondo ay nakatambay ang biktima nang biglang sumulpot ang mga suspek na naka-motorsiklo at bumunot ang angkas ng baril at malapitang binaril sa ulo ang nabiglang biktima.

Ayon sa pulisya na talamak ang bentahan ng iligal na droga sa lugar na posibleng dahilan ng pagpatay sa ginang. - Dagdag ulat ni Patrick Andal (trainee)-

Show comments