VP Binay umalma sa ‘tongpats’

MANILA, Philippines - Nagsalita na kahapon si Vice President Jejomar Binay at inalmahan ang diumano’y demolition job na ginagawa sa kanya ng ilang senador kaugnay sa sinasabing overprice na building na sinumulang itayo  sa Makati noong nanunungkulan pa siyang mayor ng lungsod.

Ayon kay Binay na handa siyang humarap sa anumang patas at walang kinikilingang imbestigasyon, pero ang mga palakad umano sa nagdaang dalawang hearing ng Senate Blue Ribbon subcommittee tungkol sa isyu ay nagpapatunay na ito ay isang “politicized forum kung saan hinahanapan sila (mga Binay) ng criminal liability at hindi in aid of legislation.

Show comments