150 pamilya sa QC nasunugan ng bahay

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa 150 pamilya ang nawalan ng mga bahay nang masunog ito kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Sa ulat, dakong alas-12:58 ng madaling-araw nang magsimula ang sunog sa may dalawang palapag ng bahay ng isang Clarita Belarmino, 62, sa may #228 Banlat Road, Brgy. Tandang Sora, ng lungsod.

Sa inisyal na pagsisiyasat ang natumbang kandila ang dahilan ng sunog sa ikalawang palapag ng bahay ni Belarmino  dahil wala anyang kuryente ang lugar.

Umabot sa ikaapat na alarma bago tuluyang ideklarang naapula ang  sunog dakong alas-2:07 ng madaling-araw at walang naiulat na nasugatan o namatay sa sunog.

Show comments