2 rider tepok sa salpok

MANILA, Philippines - Kapwa patay ang dalawang driver ng motorsiklo matapos na sila ay sumalpok sa van at isang puno ng acacia sa magkahiwalay na insidente sa Cavite.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Daryl Villoso, 29 ng Trece Martirez City  at Chester Bayla, 26, ng Molina St.,  Alabang, Muntinlupa City.

Sa ulat, dakong alas-11:00 ng gabi ay minamaneho ni Villoso ang kanyang motor (1449 TF) nang sumalpok ito sa close van sa kahabaan ng Aguinaldo Hiway, Brgy Sampaloc 2 Dasmariñas City. Nasawi rin si Bayla, dakong alas-3:30 ng madaling-araw habang ang minamanehong motor na walang plaka ay bumangga sa isang puno ng acacia sa kahabaan ng Daang  Hari Road, Bacoor City.

 

Show comments