Sekyu inutas sa drive way ng motel

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang security guard nang ito ay pagtatagain ng hindi pa kilalang suspek sa drive way ng  binabantayang motel kamakalawa ng gabi sa Sta. Mesa, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Eduardo Baril, 50, ng Block 12, Lot 62, Phase 1 B, Rodriguez, Rizal.

Sa ulat, dakong alas-9:35 ng gabi nang makita ni Darwin Narciso, room attendant na  nakahandusay at duguan sa drive way ng motel ang biktima.

Ayon sa pahayag sa awtoridad ni Narciso, wala siyang nakitang komosyon o suspek sa krimen.

Show comments