Mayor inaresto ng NBI sa pagpatay sa mag-asawa

MANILA, Philippines -Dahil inuugnay sa pamamaslang sa mag-asawang pulitiko noong nakalipas na taon ay sinalakay kahapon  ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang bahay ni Urbiztondo, Pangasinan Mayor Ernesto Balolong

Jr., Sampaloc, Maynila at dito ay nakumpiska ang 16 piraso ng baril.

Ayon kay NBI Officer-in-Charge Medardo de Lemos umaga ng Miyerkules nang pasukin ang bahay at arestuhin si Balolong matapos na ikinanta ng isang gun for hire na si  Guialaludin Sacandal “Boy Muslim” Otto na mastermind sa pagpatay kina dating Vice Mayor Ramon Arcinue at misis na si Zorhayda, na isa
namang barangay chairwoman, noong Marso 7, 2012 nang dalawin nila sa apartment ang  kanilang anak na nag-aaral sa kolehiyo.

Show comments