MANILA, Philippines -Dulot ng Inter TroÂpical ConverÂgence Zone (ITZ) ay walong katao ang iniÂulat na nasawi sa panaÂnaÂlasa ng flashflood sanhi ng malalakas na pagbuhos ng ulan sa Western at Central Visayas.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kinilala ang mga nasawing sina Quennie Ymon, 5, tinangay ng baha sa Fabella Creek sa Valderama, Antique at CeÂferino Nietes, naanod naman ng malakas na agos sa Sabang River sa Bugasong, Antique.
Anim naman ang nasawi sa Central Visayas sanhi ng mga pagbaha particular sa Negros OrienÂtal na kinilalang sina PO1 Rodelyn Gonzaga, 29 nasawi sa rescue operation sa kasagsagan ng pagbaha sa Brgy. Buala, Bayawan City; Shirley Tombrador, RoÂnald Gargarian,14; Brgy. Minaba, buntis na ginang na si Maricel Regado; Puriciano Sedo, 74; pawang sa Bayawan City at Tamprio Barcoron, tinatayang nasa 60-70-anÂyos sa Brgy. Isla, Banga ng nasabing lalawigan.
Nawawala naman sina Jayvee Lofranco, 19 at isang tinukoy lamang sa pangalang Erwin, 23. Habang nasa 13,000 katao ang apektado.
Idineklara rin sa state of calamity ang Bayawan City, Negros Oriental maÂtapos lumubog sa baha ang malaking bahagi ng lungsod sanhi ng malalaÂkas na pag-ulan simula noong linggo.
Apektado rin ng mga pagbaha ang mga bayan ng Siaton, Basay, Banga, Santa Catalina, MabiÂnay at Dumaguete City; paÂwang sa nabanggit na lalawigan.
Nagkaroon rin ng storm surge sa ilang baybaying lugar sa Negros Oriental na pinatindi pa ng high tide dito.
Ayon kay NDRRMC Executive Director EduarÂdo del Rosario ang mga pagbaha ay nakaapekto sa 18,828 pamilya o kabuuang 92,658 katao sa Region VI, VII, IX, X at XII.