OFW sinalvage

MANILA, Philippines - Isang 42-anyos na la­laki na overseas Filipi­no worker (OFW) ang  pinaniniwalang sinalvage nang matagpuan ang bangkay nito sa madamong bahagi na malapit sa creek kaha­pon ng ma­daling-araw sa Brgy. Tanauan, Tanza, Cavite.

Ang biktima ay kinilalang si Ernesto Catanghal, ng Brgy. Sta. Cristina Dasmariñas City, Cavite na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Batay sa ulat, alas-5:30 ng umaga nang ma­tagpuan ang nakahandusay na katawan ng biktima sa nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakatakda uma­nong makipagkita ang biktima sa ka-live in ni­tong Jenifer Villa­nueva sa 7-11 Convenient store sa Trece Martirez City matapos na du­ma­ting ito sa bansa mula sa pagtatrabaho sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA).

Malaki ang hinala ng pulisya na pagnanakaw ang motibo sa pamamas­lang.

Show comments