MANILA, Philippines - Isang miyembro ng Philippine Army ang nasawi matapos na aksidenteng mahulog sa sinasakyang military truck sa kahabaan ng highway ng Brgy. Townsite, Maluso, Basilan kaÂmakalawa.
Idineklarang dead-on-arrival sa Camp Navarro General Hospital sa WesÂtern Mindanao Command sa Zamboanga City ang biktima na kinilalang si Pfc Jelietert Frando, nakatalaga sa Headquarters Support Company ng 4th Special Forces Battalion ng Phil. Army.
Batay sa ulat, bandang alas-9:00 ng umaga habang ang biktima ay nagi-escort sa mga miÂyembro ng Gawad Kalinga CiviÂlian volunteers lulan ng KM450 vehicle na bumabagtas sa lugar.
Sa pagliko ng military vehicle ay nalubak ito kaya’t aksidenteng nahulog ang nasabing sundalo matapos itong mawalan ng balanse at tumama ang ulo sa matigas na bagay.