MANILA, Philippines - Kasong smuggling ang isinampa ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice (DOJ) laban sa 31 katao na sangkot sa pagpupuslit ng libu-libong sako ng bigas sa pamamagitan ng Port of Legazpi City sa Bicol Region.
Ito ang inihayag ni Customs CommisÂsioner Ruffy Biazon na siyang nanguna sa pagsampa ng kaso sa 31 opisyal ng Kapatirang Takusa Multi Purpose Cooperative, Ugnayang Magbubukid ng San Isidro Cooperative, Malam Pampang Concern Citizen Multipurpose Coop at Samahang Magsasaka Kapampangan at Katagalugan Multipurpose Coop, na nakabase sa apat na lugar ng Central Luzon tulad ng Bulacan at Pampanga na mga consignee ng 78,000 sako ng bigas mula sa Vietnam na nagkakahalaga ng P93,600,000.
Batay sa ulat, ang nabanggit na kontraÂbando ay dumaong sa Bicol port noong Setyembre 2, 2012 ng walang sapat na dokumento gaya ng import permit na isang paglabag sa Sections 101 at 3601 ng Tariffs and Customs Code of the Philippines (TCCP) at lampas din sa quota ng rice importation ang ginawa ng apat na kooperatiba.
Gayunman sinabi ni Biazon na kaÂnilang suportado ang layunin ng mga kooperatiba, subalit kailangan pa ring pairalin ang regulasyon ng kawanihan.