Kagawad pinugutan ng NPA rebels

MANILA, Philippines - Isang barangay kagawad na nakilalang si Ely Oguis ang pinagbabaril at pagkatapos ay pinugutan pa ng ulo ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kamakalawa ng gabi sa Brgy. Cabaloaon, Guinobatan, Albay.

Sa ulat ni Col. Ricardo Visaya, Commander ng Army’s 901st Infantry Brigade, bandang alas-11:10 ng gabi nang pagbabarilin ng mga rebelde ang biktima na hindi pa nakuntento ay pinugutan pa ito ng ulo matapos na kaladkarin mula sa kaniyang bahay.

Agad namang nagdispatsa si Lt. Col. Audrey Pasia, Commanding Officer ng 2nd Infantry Battalion ng mga sundalo upang tugisin ang grupo ng mga rebelde na responsable sa malagim na krimen.

Show comments