Bonding nauwi sa trahedya… Bangka Lumubog: Mag-Ama Nalunod

MANILA. Philippines - Nauwi sa trahedya ang masayang bon­ding ng isang mag-ama sa pamamagitan ng pamamangka matapos ang sinasakyang bangka ay nabutas nang sumalpok sa isang bato na naging dahilan para ito ay lumubog at malunod sila naganap kamakalawa sa karagatan ng Brgy. Toytoy, Camaro­ran, Catanduanes.

Kinilala ang mga nasawing sina Jose Ferrer, 45-anyos at anak nitong si Jeric, 2-anyos; pa­wang residente ng Brgy. Dario na ang mga bangkay ay  narekober sa karagatan.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi ay  namangka ang mag-ama at habang pabalik na sa bahay ay sumalpok ang kanilang bangka sa batong isla sa gitna ng dagat bunsod upang mabutas ito.

Pinasok ng tubig ang bangka hanggang sa tuluyang lumubog na kung saan ay hindi marunong lumangoy si Jose kaya nabigong mailigtas ang kaniyang sarili at maging ang kaniyang anak.

Narekober ang bangkay ng mag-ama kasunod ng isinagawang search and rescue operation ng lokal na pamahalaan sa tulong ng mga mangingisda sa lugar.

 

Show comments