Knicks umeskapo sa Timberwolves

MINNEAPOLIS — Iniskor ni Karl-Anthony Towns ang 17 sa kanyang 22 points sa first half at humakot ng 12 rebounds para tulungan ang nagdedepensang New York Knicks sa 102-99 pagtakas sa Minnesota Timberwolves.

Bago ang laro ay mainit na pagtanggap mula sa mga fans ang nakuha ni Towns sa kanyang pagbabalik sa Minneapolis matapos i-trade sa New York noong 2024.

Naglista si point guard Jalen Brunson ng 21 points at pitong assists, habang may 15 markers si forward OG Anunoby para sa ikatlong sunod na arangkada ng Knicks (9-6).

Naisuko ng defending champions ang hawak na 19-point, third-quarter lead at hindi nakaiskor sa huling 3:26 ng fourth quarter.

Idinikit ni Ayo Dosunmu ang Timberwolves (11-5) sa 99-102 mula sa kanyang three-point shot sa huling 2:34 minuto ng laro.

Sa iba pang laro, pina­pak ng Memphis Grizzlies ang Golden State Warriors, 126-98; pinulutan ng Portland Trail Blazers ang Milwaukee Bucks, 124-114; at nilunod ng San Antonio Spurs ang Los Angeles Clippers, 124-112.

Show comments