All-Star Friendship Games inilunsad

Ang mga participating schools para sa CHED All-Star Basketball Friendship Games.

MANILA, Philippines — Ang pagkakaroon ng isang national inter-tertiary tournament ang itinutulak ni Fr. Vic Calvo ng Letran College.

Ito ay matapos ang paglulunsad sa All-Star Basketball Friendship Games na inorganisa ng Commission on Higher Education para sa mga state universities, LGU-owned squads at private institutions.

“We need to have a na­tional inter-tertiary tournament,” wika ni Calvo sa press luncheon ng torneo sa CHED Auditorium sa Diliman, Quezon City.

Gusto ni Fr. Calvo na makakita ng isang seaso­nal event kagaya ng Na­tio­nal Inter-Collegiate Tour­nament at Philippine Collegiate Champions League para mabigyan ang UAAP at NCAA teams ng platform at ma­sukatan ang ibang liga.

“I would like to thank CHED for being able to or­ganize a league such as this one,” ani veteran FIBA-accredited interna­tional referee Anthony Su­lit. “Meet ito ng mga ma­lalakas na associations mula sa iba’t-ibang eskuwelahan. Hopefully, this is going to be a yearly en­gagement.”

Ang torneo ay magsi­silbing in-between league para sa mga high school at amateur players.

“Look at high school. Mayroon silang Palarong Pambansa. Ang wala sa college ‘yung parang ka­tulad ng Palarong Pambansa. Wala kang nakikitang national meet na ter­tiary,” dagdag ni Sulit.

Show comments