Yulo nagbahagi ng talento sa mga bagitong gymnasts

Carlos Yulo of the Philippines competes in the still rings event of the gymnastics competition during the 32nd Southeast Asian Games (SEA Games) in Phnom Penh on May 9, 2023.
Tang Chhin Sothy / AFP

MANILA, Philippines — Ibinahagi ni Paris Olympics double gold medalist Carlos Edriel Yulo ang talento nito sa mga kabataang gymnasts na nagnanais sundan ang kanyang yapak.

Sa isang programa sa gymnastics gym ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP), nakasalamuha ni Yulo ang ilang bagitong gymnasts.

Nagbigay ng magandang mensahe si Yulo sa mga kalahok para magsilbing inspirasyon ng mga ito sa pagtupad ng kanilang pangarap.

Noon pa man, isa na sa mga ninanais ni Yulo ang maibahagi ang kanyang malalim na kasanasan at husay sa mga kabataan.

“Gusto ko pong mai-share yung mga karanasan ko sa kanila,” ani Yulo.

Nais din ni Yulo na maging matatag ang mga ito dahil maraming darating na pagsubok sa daang tatahakin nito bago maabot ang minimithing tagumpay.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat ang kaliwa’t kanang pagsubok na pinagdaanan ni Yulo sa kanyang personal na buhay at sa pagiging atleta nito.

Ilan sa mga ibinahagi ni Yulo ang mga ginagawa nito sa kanyang training gaya ng mga simpleng stretching para masigurong nasa tamang kundisyon ito.

Nagpakita rin ng ilang teknik si Yulo sa kanyang mga routines.

Show comments