Brownlee, Ramos bumida sa Gilas

MANILA, Philippines — Marami pang dapat ayusin ang Gilas Pilipinas bago sumalang sa 2024 FIBA Olympic Quali­f­ying Tournament.

Ito ang nakita ni head coach Tim Cone matapos ang 74-64 panalo ng Nationals kontra sa bisitang Taiwan Mustangs sa isang friendly match kahapon sa Philsports Are­na sa Pasig City.

Binanderahan nina naturalized player Justine Brownlee at Dwight Ramos ang ratsada ng Gilas sa fourth quarter matapos makadikit ang Taiwan sa   third period.

Itinayo ng Gilas ang isang 15-ponit lead, 17-2, mula sa three-point shot ni Ramos sa 5:01 minuto ng first period bago na­ka­­dikit ang Mustangs sa 32-34 sa huling 3:44 mi­nuto ng second quarter galing sa jumper ni dating PBA guard Rashwan McCarthy.

Isinara ng Gilas ang first half bitbit ang 37-32 bentahe.

Sa likod nina Brownlee at Ramos ay mu­ling ibinaon ng Nationals ang Mustangs sa 54-38 sa 2:48 minuto ng third period.

Ang basket ni 7-foot-2 Kai Sotto sa huling da­lawang minuto ng laro ang sumelyo sa panalo ng Gilas.

Ang nasabing tuneup game ay kasama sa preparasyon ng Gilas para sa FIBA OQT na nakatakda sa Hulyo 2 hanggang 7 sa Latvia.

Sa nasabing torneo na nagsisilbing qualifying para sa 2024 Paris Olympic Games ay kasama ng Pilipinas sa Group A ang Latvia at Georgia.

Sasagupain naman ng Gilas ang Poland at Turkey.

Show comments