Gilas-Taiwan match lalarga ngayon

Sisiklab ang aksyon sa alas-6 ng gabi para sa u­nang hamon ng Gilas simula nang buksan ang training camp noong nakaraang linggo sa I­nspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.
STAR/File

MANILA, Philippines — Makikilatis ang Gilas Pilipinas kontra sa Taiwan Mustangs ngayon sa PhilSports Arena sa Pasig bilang bahagi ng paghahanda para sa 2024 FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Latvia sa Hulyo 2 hanggang 7.

Sisiklab ang aksyon sa alas-6 ng gabi para sa u­nang hamon ng Gilas simula nang buksan ang training camp noong nakaraang linggo sa I­nspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Libre ang tikets para sa mga fans na manonood bilang sendoff party na rin sa koponan sa paglipad nila pa-Latvia bukas.

Nasa koponan ng Taiwan ang dating NBA champion players na sina Dwight Howard, Demarcus Cousins at Quinn Cook subalit hindi muna makakalaro.

Mamando sa Mustangs ang dating PBA mentor na si Chris Gavina tampok ang dati ring PBA star na si Alex Cabagnot bilang isa sa kanyang manlalaro.

Sa Gilas, tatrangko si naturalized player Justin Brownlee kasama ang iba pang PBA stars na sina Chris Newsome, June Mar Fajardo, CJ Perez, Calvin Oftana at Japeth Aguilar.

Kukumpleto sa Gilas ang overseas imports na sina Dwight Ramos, Kai Sotto at Carl Tamayo pati na sina Kevin Quiambao at Mason Amos ng UAAP.

Pagdating ng Europe ay makakalaban din ng Gilas ang national teams ng Poland at Turkey.

Mapapasabak ang Gilas kontra sa host na Latvia at Georgia sa Group A habang nasa Group B naman ang Brazil, Cameroon at Montenegro.

Show comments