Reunion nina Cone at Chambers sa Gilas

Tim Cone.
Philstar.com / Erwin Cagadas

MANILA, Philippines — Natuloy na ang reunion nina Tim Cone at Sean Chambers pero hindi sa PBA.

Sa pambihirang pagkakataon, makakasama ni Cone ang kanyang dating resident PBA import na si Chambers sa paggabay sa Gilas Pilipinas sa nalalapit na Paris FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Latvia sa susunod na buwan.

Isa si Chambers sa ma­ka­katulong ni Cone sa preparasyon ng Gilas na nasa kasagsagan ng kanilang training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Nagwagi sina Cone at Chambers ng 6 na kam­peonato para sa Alaska Milk noong 1990 kasama na ang pambihirang grandslam noong 1996.

Nasa Pilipinas ngayon si Chambers bilang bagong head coach ng Far Eastern University Tamaraws sa UAAP.  Ginabayan niya ang FEU sa bronze medal ng Filoil EcoOil 17th ECJ Preseason Cup sa kanyang unang sabak bilang chief tactician.

Kinuha ni Cone si Chambers upang palakasin ang Gilas staff lalo’t hindi muna nila makakasmaa ngayon ang ibang assistant coaches tulad ni Josh Reyes na nakatuon ang atensyon sa Gilas youth sa FIBA U17 World Cup.

Sa Hulyo 7 lalarga ang FIBA U17 World Cup sa Turkey, kasabay ng laban ng Gilas sa OQT sa Hulyo 2 hanggang 7 sa Latvia.

Samantala, sumali rin sa training camp ng Gilas sa Inspire si Roger Pogoy ayon mismo sa post ni Chambers para sa kanilang FEU connection.

Show comments