France tinapos ang suwerte ng Iran

Lumipad si Nicolas Le Goff ng France para sa kanyang spike laban kay Mohammad Valizadeh ng Iran sa Week 3 ng Men’s 2024 Volleyball Nations League (VNL).
Russell Palma

MANILA, Philippines — Bumalikwas ang reig­ning Olympic cham­pions France mula sa isang ka­­bi­guan matapos ang 25-21, 25-17, 25-20 paggu­po sa Iran sa Week 3 ng Men’s 2024 Volleyball Na­tions League (VNL) ka­hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagmula ang mga Frenchmen sa four-set loss sa mga Germans no­­ong Miyerkules bago ibaling ang galit sa sibak nang mga Iranians.

Bumira si Jean Patry ng 16 points mula sa 13 attacks, dalawang blocks at isang service ace para sa 7-3 kartada ng France.

Laglag naman ang Iran sa 2-9.

Nauna nang humataw ang mga Iranians ng two-game winning streak mula sa kanilang pag­gulat sa United States at Netherlands.

Ngunit hindi umubra ang Iran sa France, ang World No. 7 team, na ki­nuha ang 2-0 bentahe sa kanilang laro.

Hinataw ng mga Frenchmen ang 11-7 ka­la­­­mangan sa third set ba­go nakatabla ang mga Iranians sa 13-13 sa likod ni team captain Milad Eba­dipour.

Isang 5-1 atake ang gi­­nawa ng France sa pa­­ngunguna ni middle blocker Daryl Bultor’s sharp serves para muling makalayo sa 18-4.

Pinamunuan ni Milad Ebadipour Ghara ang Iran sa kanyang 10 points.

Sunod na haharapin ng France ang Japan nga­yong alas-7 ng gabi bago tapusin ang Manila leg bu­kas laban sa Brazil sa alas-4 ng hapon.

Samantala, pinabagsak ng Canada ang Brazil, 25-26-24, 25-19, 26-24, para sa kanilang ikatlong sunod na ratsada.

Show comments