Arellano kampeon sa NCAA Cheerleading

MANILA, Philippines — Muling pinagharian ng Arellano University ang National Collegiate Athletic Association (NCAA) Cheerleading Competition na ginanap sa FilOil Eco­Oil Center sa San Juan City.

Naitarak ng Arellano ang matamis na five-peat sa Season 99 para madugtungan ang dominasyon nito sa liga.

Pinahanga ng Chiefsquad ang mga hurado matapos ilatag ang malinis na performance upang ma­kuha ang unang puwesto.

Matitikas na stunts at routines ang ipinamalas ng Arellano para makakuha ng kabuuang 253.5 points.

Naibulsa ng Chiefsquad ang tumataginting na P100,000 premyo.

Ito ang ikaanim na korona ng Arellano sa huling pitong edisyon ng Cheerleading Competition sa liga.

Nagkasya naman ang dating kampeong University of Perpetual Help System Dalta (UPHSD) Altas Perps Squad sa ikalawang puwesto,

Nakapagtala ang Altas Perps Squad ng 231.5 points para makuha ang runner-up trophy.

Ito ang ikalimang sunod na runner-up ng Perpetual Help.

Pumangatlo ang Colegio de San Juan de Letran na may 206 puntos.

Naibulsa ng Altas Perps Squad ang P75,000 premyo habang nakuha naman ng Letran Chee­ring Squad ang P50,000 konsolasyon.

Show comments