Dallas muling hihirit sa Boston

Si Kyrie Irving ang muling sasandigan ng Mave­ricks kontra sa Celtics sa Game 5 ng NBA Finals.

BOSTON — Aminadong kontrabida sa mga Celtics fans, hindi ito iniisip ni Dallas Mavericks star Kyrie Irving sa Game Five ng NBA Finals.

Ang mas pinagtutu­u­nan niya ng pansin ay kung paano muling ga­gabayan ang Dallas sa pa­nalo kontra sa Boston na hawak ang 3-1 lead sa kanilang best-of-seven championship series.

“Let’s just call it what it is,” wika ni Irving sa bisperas ng kanilang upa­kan ngayon.

“When the fans are che­ering ‘Kyrie sucks’ they feel like they have a psychological edge, and that’s fair,’” dagdag ng ve­teran guard sa patuloy na pambubuska sa kanya ng mga Celtics fans.

Iniwanan niya kasi ang Boston noong 2019 matapos ang dalawang seasons.

Katuwang si four-time NBA MVP LeBron James sa Cleveland Cavaliers, natikman ni Irving ang una niyang NBA cham­pionship noong 2016.

“We got a chance to accomplish one of our goals, which is to make it back to Boston,” sabi ng 32-anyos na si Irving. “We have another goal in front of us, and that’s to make it back to Dallas.”

Muling makakatuwang ni Irving sa backcourt ng Mavericks si Lu­ka Doncic sa hangaring muling pigilan ang Celtics na tapusin ang serye at makopo ang korona.

Samantala, determinado ang Boston na wakasan ang kanilang duwelo ng Dallas para sa NBA record na ika-18 korona.

“We are at the precipice of completing what we set out to do at the beginning of the season,” ani Celtics star Jaylen Brown.

Show comments