White sasali sa Olympic qualifying

MANILA, Philippines — Masisilayan sa aksyon si Filipino-British Heather White sa Mel Zajac International sa Vancouver, Canada na isang qualifying event para sa Paris Olympics.

Target ni White na mapaganda ang oras nito para lu­makas ang kanyang tsansa na makapasok sa Paris Olympics sa pamamagitan ng Universality Rule.

Kaya naman kailangan ni White na magtala ng ma­babang oras para umangat pa ang FINA points nito na magiging basehan sa pagpili ng atleta via Uni­versality Rule.

Sasalang ito sa women’s 50m freestyle.

“It is recognized as an official meet that a swimmer could qualify for the Olympics. I’m just trying to hopefully increase my FINA points especially in the 50 freestyle that’s where I have the most potential to qualify in,” ani White.

Ito ang huling qualifying meet na maaaring salihan ni White para maisakatuparan ito.

Kasalukuyan itong may 720 FINA points, habang hawak naman ni Filipino-Canadian Kayla Sanchez ang 830 FINA points.

Show comments