2-0 lead iginuhit ng Boston vs Indiana

Ang one-hander ni Jaylen Brown ng Celtics kontra kay Ben Sheppard ng Pacers sa Game Two ng Eastern Confe­rence finals.

BOSTON — Nagpasabog si Jaylen Brown ng playoff career high 40 points para pangunahan ang Celtics sa 126-110 pag­rapido sa Indiana Pa­cers sa Game Two ng Eas­tern Conference finals.

Nagdagdag sina Jayson Tatum at Derrick White ng tig-23 points at tumipa si Jrue Holiday ng 15 points at 10 assists para sa 2-0 lead ng Boston sa kanilang best-of-seven series ng Indiana.

Pinamunuan ni Pascal Siakam ang Pacers sa kanyang 28 points.

Ang Indiana ang ma­mamahala sa Games There at Four sa Linggo at Martes (Manila time).

Nalimitahan si Tyrese Haliburton sa 10 points at 8 assists bago nagkaroon ng left hamstring in­jury sa third period.

Kinuha ng Pacers ang 27-22 abante sa frst quarter bago kumamada ang Celtics para iposte ang 61-52 sa pagbubukas ng third period.

Bumida si Siakam mu­la sa kanyang dalawang jumper at dalawang three-point shots para idi­kit ang Indiana sa two-point deficit sa fourth quarter.

Show comments