ika-3 panalo hinataw ng Vietnam sa AVC Cup

MANILA, Philippines — Dumiretso ang nagde­depensang Vietnam sa pag­tatala ng 3-0 record ma­­tapos talunin ang Kazakhstan, 25-14, 25-19, 14-25, 25-23, sa 2024 Asian Volleyball Confe­deration Challenge Cup for Women kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila.

Bumira si opposite spiker Nguyen Thi Bich Tu­yen ng 30 points mula sa 26 attacks, tatlong blocks at isang service ace sa pangunguna ng mga Vietnamese sa labanan Pool B.

Laglag ang mga Kazakhs sa 1-1 marka.

“We really didn’t have a game against Kazakhs­tan for a long time, like six years,” ani Vietnam team captain Tranh Thi Thanh Thuy.

Nauna nang tinalo ng defending champions ang Singapore, 25-8, 29-27, 25-10, at Hong Kong, 25-13, 25-17, 25-16, sa tor­neong inorganisa ng Philippine National Volly­ball Federation (PNVF) sa pa­­mumuno ni Ramon “Tats” Suzara at suporta­do ng Meralco, PLDT, Smart, Akari, AyalaLand, Nuvali, Foton, POC, PSC, Mikasa, Senoh, Asics, Maynilad, Makati Shangri-La, Rebisco, Cignal, OneSports, OneSports+ at PilipinasLive.

Hangad ng Vietnam na mawalis ang Pool B  sa pagharap sa Indonesia bukas ng alas-10 ng umaga.

Samantala, binigo ng Iran ang Chinese-Taipei, 24-26, 25-20, 25-18, 28-26, para sa 1-1 baraha sa Pool A.

Show comments