Pinay Spikers sasagupa sa India

MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng India ang ikatlong sunod na ratsada sa pagsagupa sa Alas Pilipinas sa 2024 Asian Volleyball Confederation (AVC) Challenge Cup for Women sa Rizal Memorial Coliseum sa Vito Cruz, Manila.

Aminado si Soorya Soorya ng India na hindi magiging madali ang laban nila sa mga Pinay Spikers ngayong alas-7 ng gabi.

“Playing against the home team is very difficult because the audience support will go to the Philippines,” wika ng middle blocker. “But we will try to overcome that.”

Kasalukuyan pang nilalabanan ng Alas Pilipinas ang Australia kagabi habang isinusulat ito.

Hinataw ng India ang ikalawang sunod na panalo matapos dominahin ang Chinese-Taipei, 25-19, 25-13, 25-16, kahapon sa torneong inorganisa ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa pamumuno ni Ramon “Tats” Suzara.

Nagposte si Soorya ng 15 points mula sa pitong attacks at walong blocks para sa 2-0 record ng India sa Pool A habang nag-ambag si Kambrath Anusree ng 13 markers.

Show comments