Beermen puro na sa finals

Gigil na dumakdak si SMB big man Moala Tautuaa kontra sa Rain or Shine sa Game 3.
PBA Image

MANILA, Philippines — Sinandigan ng San Miguel ang kanilang mga guwardiya para pagulu­ngin ang Rain or Shine, 117-107, sa Game Three ng Season 48 PBA Philippine Cup semifinal round kahapon sa Dasmariñas City Arena sa Cavite.

Sa pagtatala ng 3-0 lead ay inilapit ng Beermen ang sarili sa pagwalis sa Elasto Painters sa kanilang best-of-seven semis series.

Naglista si CJ Perez ng 23 points at 14 rebounds at may 21 markers si Marcio Lassiter tampok ang limang three-point shots kasunod ang 20 points ni Don Trollano.

Maaari nang tapusin ng San Miguel ang Rain or Shine sa Game Four bukas papasok sa pang-45 finals appearance at target ang ika-30 korona.

“We just have to be motivated sa Game Four, We really have to bring the energy and then we really have to step on the gas,” ani Beermen coach Jorge Gallent.

Nag-ambag si Terrence Romeo, tubong Imus, Cavite, ng 13 points at may 12, 11 at 10 markers sina Chris Ross, seven-time PBA MVP June Mar Fajardo at Moala Tautuaa, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan ni Beau Belga ang Elasto Painters sa kanyang 19 points kasunod ang tig-14 markers nina rookie Adrian Nocum, Jhonard Clarito at Keith Datu.

Matapos ang basket ni Shaun Ildefonso para sa 94-93 bentahe ng Rain or Shine sa 9:30 minuto ng fourth period ay naagaw ng SMB ang 109-102 abante galing sa tirada ni Romeo.

 

Show comments