Kazakhstan, India umiskor sa AVC Cup

Hinatawan ni Svetlana Nikolayeva ng Kazakhstan si Singaporean Siow Yi Yin sa AVC Challenge Cup.

MANILA, Philippines — Ginamit ng Kazakhstan ang kanilang height advantage para gibain ang Singapore, 25-15, 25-9, 25-17, sa Pool B ng 2024 Asian Volleyball Confederation (AVC) Challenge Cup for Women kahapon sa Rizal Memorial Coliseum sa Manila.

Pumalo ang mga 6-foot-2 na sina Katrina Belova at Sana Anarkulova ng 15 at 13 points, ayon sa pagkakasunod, para sa unang panalo ng Kazakhs.

Sunod na lalabanan ng Kazakhstan ang nagdedepensang Vietnam bukas ng ala-1 ng hapon.

Sa ikalawang laro, mabilis na iniligpit ng India ang Iran, 25-17, 25-23, 25-21, sa Pool A sa event na inorganisa ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) sa pamumuno ni Ramon “Tats” Suzara

Nagtala sina Anagha Radhakrishnan at Kambrath Anusree ng tig-16 points para pamunuan ang India sa torneong suportado ng Meralco, PLDT, Smart, Akari, Ayala Land, Nuvali, Foton, Philippine Olympic Committee, Phi­lippine Sports Commission, Mikasa, Senoh, Asics, Maynilad, Makati Shangri-La, Rebisco, Cignal, OneSports, OneSports+ at PilipinasLive.

Samantala, gagawin ng Alas Pilipinas ang kanilang AVC Cup debut sa pagsagupa sa Australia ngayong alas-7 ng gabi.

Pamumunuan ni team captain Jia de Guzman ang koponan katuwang sina PVL stars Sisi Rondina, Eya Laure, Vanie Gandler at Cherry Nunag.

Show comments