Grassroots program ng COPA susuportahan ng Speedo

Sinelyuhan nila COPA president at Batangas 1st District Rep. Eric Buhain, Speedo Philippines Vice-President for Operations Manish Mahtani at COPA treasurer Chito Rivera ang sponsorship deal.

MANILA, Philippines — Nakipagtambal ang Congress of Philippine Aqua­tics, Inc. (COPA) sa Speedo sa layuning mas palawigin ang naaabot ng kanilang programa sa swimming sa grassroots level.

Opisyal na isinara nina COPA president at Batangas 1st District Rep. Eric Buhain at Speedo Philippines Vice-President for Operation Manish Mahtani ang sponsorship deal sa Speedo outlet sa BGC High Street sa Taguig City noong Huwebes.

“Lalong mabubuhay ang swimming lalo na sa mga probinsiya,” wika ni Buhain. “Masayang-masaya kami at nagpapasalamat sa tiwala na ibinigay nila sa COPA.”

Naging madali para sa Speedo ang desisyon na ma­kipagtambal sa COPA para sa kapakanan ng mga batang swimmers.

“COPA as I see it has the most credible grassroots sports program. Speedo has been around for 34 years and we’re focusing also on grassroots development which is very similar with COPA’s advocacy,” pahayag ni Mahtani.

Inilunsad ng COPA ang kanilang programa sa mga probinsya sa pamamagitan ng mga serye ng torneo sa Region 10 kasunod ang mga aktibidad sa Davao, Bacolod at Ormoc City sa Leyte sa susunod na buwan.

Show comments